Lunes, Hulyo 10, 2017

Pagtanggap ng bisita sa Aprika

Aprika

Mapa ng Aprika 
Ang Aprika ay pangalawa sa pinakamalaki at may pinaka maraming populasyon. Mayroon itong sukat na 30,244,050 km squared kasama ang mga karatig na mga pulo . Nakilala rin ang kontinenteng ito dahil dito malamit nadidiskubre ang mga labi ng mga sinaunang tao. Katulad nalang ng Hominidae Ciade. Sahelanthropus Tchadensis, Australopetecus Africanus, Afarensis, Homo Erectus, Homo Habilis, at Homo Ergaster. Kasama na rin dito ang tinatawag na mga sinaunang tao. 
Natatayang dito kalimitan nahuhukay ang mga buto o mga ebidensiya. At sinasabi na ang populasyon nito ay humigit kumulang na 1.1 billion katao. 

Sabado, Hunyo 10, 2017

Paano tumanggap ng mga bisita ang Aprikano



Hindi ko akalain! may ibang katangian o ritwal pa palang ginagawa ang mga Aprikano sa pagtanggap ng bisita. Sa aking nakalap na impormasyon sinasayawan o kinakantahan nila ang mga panauhing dumadating sa kanila Noong nasa sitwasyon ako yun wala akong masabi kundi "Wow' dahil sa magiliw nilang pagtanggap. Mabuti na lang at makarating ako dito! Sapagkat hindi mo pagsisisihan ang pagpunta at makisalamuha sa kanila. Nakakalungkot na kabila sa maganda nilang katangian ay puro panlalait parin ang natatamo nila. Noong unang araw akong nandun kala mo Fiesta dahil sa daming ahin. Na kahit nagiisa ka ay tila isang barangay na ang kanilang pakakainin. Tila prinsesa ka rin nila kung ituring halos ibigay na lahat ang pangangailangan mo. Ni hindi mo na ata kailangan pang kumilos dahil sila na mismo ang gagawa ng lahat para sayo. Mabuti nalang din na nakilala ko sila! dahil sila ay tunay na mabuting tao.  Tila anghel sila dahil sa walang katulad na pagtanggap ng mga tao.

Miyerkules, Mayo 10, 2017

Lunes, Abril 10, 2017

Sampu sa pinaka magiliw na syudad sa Aprika

1. Capetown, South Africa 
2. Mombasa, Kenya
3. Zanzibar, Tanzania 
4. Calabar, Nigeria 
5. Victoria, Seychelles
6. Kololi, The Gambia
7. Cairo, Egypt
8. Gaborone, Botwana
9. Tunis, Tunisia
10. Casablanca, Morocco

Huwebes, Enero 12, 2017

Panghahalintulad ng ibat ibang kwento na may Tuwiran at Di- Tuwiran:

Sa panitikang Aprika tulad nalang ng kwentong "Ang Batang Tindero ng Matatamis na Beet" makikita mo kung paano sila tumanggap ng bisita o paano nila ituring ang isang bisita. Nakasaad rito na sinabi ng guro na pwede siyang pumasok sa silid aralan kahit ano mang oras. At may nagwikang "Si Tarjadi siguro Sir nagtitinda siya ng beet kung taglamig kung gusto nyo sasabihin kapag pumasok siya" nakikita rito na kahit tindero lang siya ay di nila ito binibigyang pansin at tinuring nila itong kaparehas nila. Sa linyang ' Sir Si Tarvardi lang ang may ganyang katamis na beet" nakikita dito na kapag ikaw ay isang panauhin ay ikaw rin ang bida ng samahan. May nagsabi rin na hinila siya ng mga bata sa may kalan at ipinahiram ng silya ng mga bata sa may kalan. at ipimahiram siya ng silya upang makaupo siya. Nagpapakita ito na talagang maalaga nga naman sila sa mga bisita. May mga nakasaad na buong puso siyang tinanggap bilang bisita at hindi bilang isang hamak na tindero. Nakikita dito na kahit ano pang kaantasan mo sa buhay bastat ikaw ay kanilang bisita ituturin ka nilang espesyal. 

Miyerkules, Enero 11, 2017

Mga Ilan pang patunay:

Handog nilang Sayawin para sa Panauhin
 

Munting Salo- Salo para sa Bisita


Martes, Enero 10, 2017

Iba pang impormasyon patungkol sa Pagtanggap ng Bisita ng Aprika


African hospitable ay maaaring tinukoy bilang extensyon ng pagkabukas-palad, na ibinigay ng malaya. At nang walang ano mang kalakip. Ang paliwanag na ito ay sumang-ayon na may Echema (1995: 35) na nagsasabi na, 'ito ay isang ganap na kahandaan upang ibahagi' (give and take). Ito ay, sa gayon, ang pagpayag upang bigyan, upang makatulong, sa pag-ibig at wala ni isang kasiguruhan na may tubo o gantimpala kang matatanggap sa huli.




Sinasabi rin na ang pagiging hospitable ng mga Aprikano ay talaga nga naman pinagsasanayan. "Sa kabila ng pagiging modernisasyon ay di nawawala ang mga tradisyonal na buhay sa pamamagitan ng kolonyalismo. Kahit na sa mundong puno ng teknolohiya at modernong pamumuhay ... African hospitality ay gampanin.