Panghahalintulad ng ibat ibang kwento na may Tuwiran at Di- Tuwiran:
Sa panitikang Aprika tulad nalang ng kwentong "Ang Batang Tindero ng Matatamis na Beet" makikita mo kung paano sila tumanggap ng bisita o paano nila ituring ang isang bisita. Nakasaad rito na sinabi ng guro na pwede siyang pumasok sa silid aralan kahit ano mang oras. At may nagwikang "Si Tarjadi siguro Sir nagtitinda siya ng beet kung taglamig kung gusto nyo sasabihin kapag pumasok siya" nakikita rito na kahit tindero lang siya ay di nila ito binibigyang pansin at tinuring nila itong kaparehas nila. Sa linyang ' Sir Si Tarvardi lang ang may ganyang katamis na beet" nakikita dito na kapag ikaw ay isang panauhin ay ikaw rin ang bida ng samahan. May nagsabi rin na hinila siya ng mga bata sa may kalan at ipinahiram ng silya ng mga bata sa may kalan. at ipimahiram siya ng silya upang makaupo siya. Nagpapakita ito na talagang maalaga nga naman sila sa mga bisita. May mga nakasaad na buong puso siyang tinanggap bilang bisita at hindi bilang isang hamak na tindero. Nakikita dito na kahit ano pang kaantasan mo sa buhay bastat ikaw ay kanilang bisita ituturin ka nilang espesyal.


